Karagdagang honoraria sa poll workers sa mga presintong may palyadong VCMs, SD cards ikakasa

Karagdagang honoraria sa poll workers sa mga presintong may palyadong VCMs, SD cards ikakasa

May 13, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinumite na sa Commission on Elections (Comelec) en banc ang rekomendasyon na igawad ang karagdagang honoraria sa mga guro na nagtrabaho nang overtime sa Halalan 2022.

Batay sa rekomendasyong isinumite ni Commissioner George Garcia, ang mga makatatanggap ng karagdagang honoraria ay mga guro at support staff na nakatalaga sa mga presinto kung saan palyado ang vote counting machines (VCMs) at SD cards.

“As our partner during elections, we must ensure that the teachers and support staff, whose sacrifices during election day are unparalleled, are fairly compensated for the work done,” saad sa rekomendasyon ni Garcia.

“Accordingly, in recognition of their invaluable service to ensure the successful conduct of the elections, the undersigned respectfully recommends the grant of additional honorarium to members of the EB, DESO, and DESO technical support staff who were assigned to polling precincts that encountered malfunctioning VCMs and SD cards,” dagdag pa rito.

Sa isang press briefing nitong Biyernes, inihayag ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na “warmly received” umano ng en banc ang rekomendasyon.

“Definitely it is not overtime pay. It may be called additional honoraria, it may be called additional service incentives. Yan po yung pinag-aaralan natin. But definitely it will only be given to those identified to have been delayed by the issues in the VCM,” paglilinaw ni Laudiangco. RNT/SA