KARAGDAGANG INVESTMENT AND SAVINGS PROGRAM, INILUNSAD NG SSS

KARAGDAGANG INVESTMENT AND SAVINGS PROGRAM, INILUNSAD NG SSS

December 22, 2022 @ 1:04 PM 1 month ago


PORMAL na ipinakilala ng Social Security System ang pinakabago niong retirement savings program na tinawag na WISP Plus o ang Worker’s Investment and Savings Plus program.

Paliwanag ni SSS president and chief executive officer Michael Regino sa mga miyembro ng media na dumalo sa ipinatawag na press briefing, nabuo ang bagong voluntary retirement savings program base sa konsepto ng “work, save, invest and prosper” na hangad ng social pension agency para sa mga miyembro nito.

Maaaring maglagak ng mula limang daan piso (P500) anomang oras ang isang SSS member para makasali sa WISP Plus. Ang naiipong pera ay kikkta ng mas malaki kumpara sa interest earnings ng mga bangko.

Pwedeng sumali ang sinomang SSS member, maging anoman ang kanyang deklaradong kita o monthly salary credit.

Sa mga interesadong sumali, mag-rehistro gamit ang inyong My.SSS account, isang beses lamang ito gagawin dahil walang expiration ang membership. 

Pero dapat ay hindi pa kayo nakapag-file ng inyong final benefit claim katulad ng retirement o total disability benefits.

Mayroon ng WISP program na ipinatutupad simula January 2021 na compulsory para sa mga miyembro na may MSC na lagpas ng Php 20,000 pesos bawat buwan na ayon sa bagong batas ng SSS noong taong 2018.

Sa kasalukuyan din, may dalawang voluntary provident fund programs ang SSS, ang Flexi-fund program for overseas Filipino workers at ang PESO o ang personal equity and savings option. Bahagi din ito ng WISP Plus program.

Inanunsyo rin ni PCEO Regino na simula January 1, 2023, ay tataas ng 1% ang kontribusyon na magiging 13% na.

Sa mga employed members, ang mga employer ang siyang magbabayad ng karagdagang 1% na pagtataas habang sagot naman ng mga individual paying members kabilang ang mga self-employed, voluntary, non-working spouse, at OFW members, ang dagdag na kontribusyon.

Para kay PCEO Regino, mangangahulugan naman ito ng mas magandang benepisyo para sa mga miyembro.

Nakatalda ring i-adjust ng SSS ang MSCs na basehan ng monthly contribution ng mga miyembro kung saan ang minimum MSC ay magiging P4,000 at ang maximum MSC ay magiging P30,000 mula sa dating P3,000 at P25,000.