KARAGDAGANG P2B BUDGET HINILING PARA SA NATIONAL CHILDREN’S HOSPITAL

KARAGDAGANG P2B BUDGET HINILING PARA SA NATIONAL CHILDREN’S HOSPITAL

November 24, 2022 @ 1:02 AM 2 months ago


BALAK tapyasan ng dalawang bilyong piso ni Senator Raffy Tulfo ang panukalang Php 23.131B na budget ng Department of Environment and Natural Resources at ilaan ito sa National Children’s Hospital sa taong 2023.

Ayon sa senador, sa kanyang pagbisita sa nasabing os-pital bago pa manalo sa Senado, nakita niya ang malaking pangangailangan para ayusin ang pasilidad, kagamitan, benepisyo, at operasyon ng NCH na aniya ay kinakaila-ngan ng mga batang pasyente.

Hinamon din ni Senator Tulfo ang mga kapwa senador at mga kongresista gayundin ang mga kalihim ng Department of Health at Department of Budget and Management na personal na bumisita sa NCH para makita mismo ng kanilang mga mata ang kalagayan ng ospital.

Kinwestyon din niya ang DOH kung bakit sa matagal na panahon ay hindi nabibisita ng health secretary o ibang mataas na opisyal ang NCH na nasa Quezon City lang naman.

Ang NCH ay isang specialty hospital na para sa mga sanggol, bata at kabataan na edad mula 0 hanggang 18 na direktang nasa administrasyon ng DOH.

-ooOoo-

PEKENG PESO BILLS KUMAKALAT NGAYONG KAPASKUHAN

INAALERTO ng Philippine National Police ang publiko hinggil sa mga kumakalat na pekeng peso bills ngayong Kapaskuhan.

Kaya payo ng kapulisan lalong-lalo na sa mga kaanak ng mga overseas Filipino wor-kers na ipapalit lang o magpapalit lang ng hawak ninyong foreign currencies na ipinadala sa inyo sa authorized money changer lamang o sa bangko para maseguro na hindi pekeng pera ang maibayad sa inyo. Alalahanin palagi ang payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sa bawat peso bill na matatanggap ay gawin ang “feel, look and tilt”.

I-check ding mabuti ang mga item na binibili online bago paalisin ang delivery man o kaagad na magreklamo sa binilhan kapag hindi nagustuhan.