Karagdagang toll sa CAVITEX C5 link kasado sa Nov. 27

Karagdagang toll sa CAVITEX C5 link kasado sa Nov. 27

November 26, 2022 @ 10:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) hna sisimulan nitong mangolekta ng karagdagang toll rates para sa mga motorista na dumaraan sa segments ng CAVITEX C5 link simula Nobyembre 27, 2022.

Epektibo mula alas-12:01 ng madaling araw sa Linggo, ipatutupad ang sumusunod na provisional toll rate sa CAVITEX C5 Link:  P35.00 para sa Class 1;  P69.00 para sa Class 2; at  P104.00 para sa Class 3 motorists.

Saklaw ng segment 1 ang kahabaan ng Taguig hanggang Merville, habang saklaw ng Segment 3.2 ang Merville hanggang E. Rodriguez.

Binuksan ang segment 3.2 o ang CAVITEX C5 Link flyover extension sa publiko noong Agosto 14, 2022.

Iniahayag ng pamunuan ng CAVITEX na binuksan nito ang bagong traffic schemes upang pangasiwaan ang daloy ng trpiko sa lugar.

Kokonekta ang CAVITEX C5 Link sa CAVITEX sa 2023. RNT/SA