Karahasan sa mga Pinoy sa NY kinondena ng PH official

Karahasan sa mga Pinoy sa NY kinondena ng PH official

March 31, 2022 @ 10:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Mariing kinondena Philippine Consulate General sa New York ang mga naiulat na pag-atake kamakailan laban sa dalawang Pilipino sa New York, kabilang ang isang senior citizen, at hinimok ang mga awtoridad na gawing ligtas muli ang lugar.

Naiulat ang insidente kung saan dalawang Piilipino– isang 73-anyos at isang 53-anyos– ang naging biktima ng “Asian hate” sa Manhattan sa dalawang magkahiwalay na pangyayari.

“The Philippine Consulate General in New York condemns in the strongest terms the latest attacks against members of the Filipino Community after two more kababayan have been added to the growing list of victims of the senseless violence that has left many Filipinos in fear,” pahayag ng Philippine Consulate General nitong Miyerkules.

Sa kasalukuyan 34 anti-Asian hate incidents at karahasan sa mga Pilipino ang naiuulat sa New York simula pa noong isang taon. 

“The Consulate again calls on authorities to do more to make sure that New York City is safe again for everyone by removing dangerous individuals, especially those with criminal records, from the streets and addressing concerns related to homelessness and mental health,” panawagan ng Consulate. RNT/SA