Karahasan sa papalapit na 2023 BSKE, sisikaping labanan ng Comelec

Karahasan sa papalapit na 2023 BSKE, sisikaping labanan ng Comelec

March 9, 2023 @ 11:20 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na gagawin nito ang lahat upang mapigilan ang anumang karahasan sa darating na Oktubre 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“The power of the Comelec will only be effective during the Election Period, once the Election Period kicks in. This is a warning to everyone, who want to spread violence during the BSKE: The Comelec is not okay with you terrorizing the people to prevent them from voting. We will do all things possible to prevent violence in all parts of the country,” sabi ni Comelec chair George Erwin Garcia sa press briefing sa pagsisimula ng tatlong araw na National Election Summit 2023 na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila, nitong Miyerkules, Marso 8.

Sa kabilang banda, binanggit ni Comelec Executive Director Teopisto Elnas na ang mga paghahanda sa seguridad ay ginagawa na para sa botohan sa Oktubre.

Ayon kay Garcia, kapag dumating na ang election period, mabibigyang kapangyarihan ang Comelec at gagawin ang lahat para sa paghahanda sa seguridad at masiguro ang kaligtasan ng lahat maging ang botante, kandidato, guro, o poll workers.

Ang election period para sa BSKE ay magsisimula sa Hulyo 3 hanggang Nobyembre 14.

Ginawa ni Elnas ang katiyakan sa gitna ng sunud-sunod na pagpatay sa mga halal na opisyal kung saan ang pinakahuli ay si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Binanggit din ni Garcia na kailangan ang input o suhestiyon ng mga stakeholder upang makabuo ng isang sama-samang plano para mapabuti ang pagsasagawa ng botohan sa bansa.

Binigyang-diin din nito ang papel ng mga tao sa pagbuo ng magagandang polisiya at programa.

Ilang mga opisyal ng Comelec at stakeholders ang dumalo sa pagsisimula ng summit na magtatagal hanggang Biyernes, Marso 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden