WALANG EME-EMERGENCY SAÂ NO CONTACT APPREHENSION

August 16, 2022 @3:00 PM
Views:
7
NAKATATAKOT ang pagpapairal ngayon ng no contact apprehension policy ng mga local na pamahalaan.
Kabilang sa mga mapeperwisyo ang mga takbong emergency gaya ng sa mga bumbero, ambulansya, pulis at pribadong may dalang pang-emergency.
Napakamamahal kasi ang mga sinisingil na multa ng mga local government unit sa bawat umanoây paglabag na mairerekord ng mga kamera na nakakalat sa mga kalsada.
Pinakamababa ang P1,500 at may umaabot sa P2,500-P3,000.
At ang masama pa, walang paraan para kwestiyunin ng mga tsuper o may-ari ng mga sasakyan ang paghuli sa kanila sa kamera at ang pagbabayad ng multa ang tanging magagawa nila.
Hindi naman konswelo ang paniningil sa multa sa panahon ng pagrerehistro ng isang sasakyan.
ANG MGA EMERGENCY
Maraming kalsada sa Metro Manila ang walang puwang para sa overtaking gaya ng matatagpuan sa mga superhighway.
Kaya naman, matatrapik at matatrapik ang mga pulis, bumbero, ambulansya at pribadong motorista na may sakay na pang-emergency.
Ngunit karaniwang nagkakaroon ng puwang ang mga kalsada kung magbigay-raan ang mga motorista.
Subalit kung sa pagbibigay ng daan sa emergency ay lalabag sa traffic light, gaya ng pagtakbo habang naka-red ang traffic light upang magkaroon ng butas sa daan, hindi na umano gagawin ng mga motorista.
Dahil tiyak na âtraffic violationâ ang sasapitin nila sa pagbibigay-raan, lalo na sa mga pribadong motorista na may itinatakbo sa mga ospital o nanghahabol ng mga kriminal.
âDi bale na lang umanong hindi maligtas ang mga itinatakbo sa mga ospital, sinasaklolohan sa mga sunog at kalamidad at nirerespondehan ng mga pulis kaysa sila ang maperwisyo.
Nakatatakot talaga ang mga pangyayaring ito na magiging bunga ng no-contact apprehension policy na nasimulan nang pairalin ng dumaraming LGU sa Metro Manila.
DEPEKTIBONG MGA TRAFFIC LIGHT
Napakarami ang mga depektibo o tila minamaniborang traffic light sa Metro Manila.
Sa Maynila lang, may dalawang traffic light na magkaiba ang kumpas sa go, slow at stop sa kanto ng Lopez Street at ——–.
Sa salupungan naman ng Del Monte Avenue, Mayon Avenue at Bonifacio Avenue, magkasabay na GO ang pakaliwa mula sa Bonifacio Avenue at ang galing sa Mayon Street na patungo naman sa Balintawak.
Marami rin ang halos walang Yellow light sa mga kalsada at nagpapalitan lamang ang Red o Stop at Green o Go gaya sa Lacson Avenue, sa may tindahan ng mga bulaklak sa Dangwa, lalo na kapag gabi na at tila minamaniobra ang traffic light dito.
Dahil din sa rami ng mga mababagal na kargado na truck, maraming sumusunod na sasakyan ang nahahagip ng mga kamera sa gitna ng mga salupungan.
Pinagmumulta ang lahat ng mga nasa ganitong sitwasyon at napakasaklap isipin na pinagbabayad ang lahat at walang karapatang kumontra ang mga hinuhuli ng kamera ng mga LGU.
Dapat ikonsidera ng mga LGU ang mga kalagayang nabanggit at hindi lang ang kita nila sa napakalalaking multa ang kanilang iisipin.
PARA KANINO ANG NCAP?

August 16, 2022 @2:58 PM
Views:
5
MARAMI ang umaalma sa bagong batas trapiko ng ilang lungsod sa Metro Manila.
Ang 'No Contact Apprehension Programâ ng Manila at Quezon City ay laking sakit ng
ulo raw ng ilang operator ng mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep at taxi.
Sabi nila, napakalaking halaga ang mawawala kung kanilang babayaran ang traffic
violations ng kanilang drivers na nagbibiyahe ng kanilang mga sasakyan.
Ang NCAP ay makabagong pamamaraan nang panghuhuli sa mga pasaway na
motorista, gamit ang mga CCTV sa ilang kalsada ng mga siyudad na malimit
pinangyayarihan ng paglabag sa batas trapiko.
Nakukunan ng mga CCTV ang traffic violations, at pinapadalhan ng notice of violations
ang rehistradong may-ari ng sasakyan na lumabag ng traffic laws.
May kaakibat na penalties o fines ang violations na ito na nagmumula sa P2,000
hanggang P3,000 tulad na lang ng 'disregarding lane marking.'
Di ko na iisa-isahin pa ang traffic violations na maaaring malabag ng isang
nagmamaneho, alam na dapat ito ng bawat driver ng kahit anong sasakyan, kasama na
ang mga motorsiklo.
Makatatanggap na lang ng notice of violations ang may-ari ng sasakyan na nakunan ng
mga CCTV sa paglabag ng batas trapiko. Kalakip din ang kopya ng video na
ipinapadala sa mga may-ari ng sasakyan, upang malaman nila ang paglabag kung sino
man ang nagmamaneho ng sasakyan.
Ang isa kong kakilala na may-ari ng 80 units ng taxi ay nabigla na lamang, nang
malaman na may P1.8 milyon na siyang dapat bayaran dahil sa violations na nagawa
ng drivers ng kanyang mga taxi.
Ang punto ko ay hindi ang napakalaking halaga ng multa sa mga paglabag ng mga
batas trapiko. Ito ay isang uri ng pagdidisiplina ng lahat sa nagmamaneho.
Magbibigay ito ng aral at paalala na kailangang sundin ang mga batas trapiko upang
mapaayos ang lahat ng ating kalagayan sa pagbibiyahe sa mga kalsada.
Hindi kinakailangang almahan ang bagong batas na ito. Ang kailangan ay alam mo ang
mga batas trapiko bago ka humawak ng manibela at magmaneho. Ito ay para na rin
maiwasang matawag kang "kamote" sa kalye.
oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
TRIAL BY MARITES (Part 7)

August 16, 2022 @2:56 PM
Views:
9
ANG buong tech voc community ay natutuwa na ang pumalit sa dating Secretary General
ng TESDA na si Gen. Isidro La Pena ay isang abogado, si Atty. Danilo Cruz. Finally,
nagkaroon ng chance na ma-review at hopefully, matigil ang militaristic, unconstitutional at
illegal na sistema na ipinalaganap sa National Inspectorate for Scholarship Program ni
Emily Tesoro.
Ang aming proposal sa incoming administration ay mag-order ng mass dismissal sa lahat
ng kasong na-file ng NISP.
Malaking tulong ito sa tech voc institutions lalo na ngayong pandemya kung saan unti-unti
pa lang silang bumabawi dahil ngayon pa lang magkakaroon ng face to face classes.
Mass dismissal ang solusyon dahil sa dalawang applicable principles. Una ay ang "fruit of
the poisonous tree" doctrine sa ating batas na nagsasabing anomang ebidensya na
nakalap sa maling pamamaraan ay hindi puwedeng magamit laban sa isang nasasakdal.
Ang mga ebidensyang ito ng mga marites ng NISP ay mga nakalap sa pamamagitan ng
mga umanoy testigo na di pinangalanan at di ma-subject sa cross-examination ng mga
abogado ng iniimbestigahang TVI.
Pangalawa, applicable rin dito ang pag-invoke sa constitutional right ng mga apektadong
TVI sa speedy trial.
Mantakin mo naman na karamihan sa mga kasong nakabinbin ngayon sa NISP ay nangyari
noong 2 years ago pa pero hanggang ngayon di pa rin tapos imbestigasyon ng NISP.
Panahon na para wakasan ang sistemang ito ng NISP at panagutin sa batas ang mga
promotor nito.
PCUP vows higher standard of service under PBBM

August 16, 2022 @2:53 PM
Views:
11
THE task of achieving a society where the less privileged is empowered, economically
productive and active participants in nation-building is gargantuan, if not arduous.
During the time of then President Corazon Aquino, EO 82, the creation of Presidential
Committee for the Urban Poor was signed and during the term of then President Benigno
Aquino III, EO 69, amending EO 82, was signed which turned to Presidential Commission
for the Urban Poor.
Through the years, the PCUP evolved and figured significantly in the excruciating battle of
urban settlers against demolitions and evictions.
The bureau was beset with every conceivable problem â from budgetary constraints, legal
impediments, and sometimes physical harm or even death threats from opposing litigants,
without even the benefit of hazard pay â especially when âbig names or other interest
groupsâ are in the firing end of a demolition order.
It was not easy for the heavily burdened PCUP personnel to stand in the middle of a dispute
between the urban poor, facing eviction, and the landowners, exerting their legal rights to
their properties.
The mandate of the PCUP is to protect the rights of their âclientsâ (READ: Informal Settlers)
who, mostly, are victims of poverty and social inequality.
Faced with the daunting task of performing their mandate even with very limited resources,
the entire PCUP community recently met with newly appointed chairman Elpidio Jordan Jr.
and vowed to cooperate in whatever the projections of the new leadership.
Among President Marcosâ priority legislative agenda is the proposed National Government
Rightsizing Program, which aims âto enhance the governmentâs institutional capacity to
perform its mandate and provide better services while ensuring optimal use of resources.â
The efforts of the PCUP are sometimes overlooked if not trivialized. Some people see its
mandate as redundant or even overlapping with the functions of other agencies.
PCSO, âBINABASTOSâ NI JOHN YAP

August 16, 2022 @2:51 PM
Views:
10