Karapatan sa WPS, igigiit ni BBM; Hague ruling, gagamitin!

Karapatan sa WPS, igigiit ni BBM; Hague ruling, gagamitin!

May 27, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na poprotektahan niya ang sovereign rights ng Pilipinas pagdating sa maritime domain at igiit ang Hague-based Permanent Court of Arbitration’s (PCA) 2016 ruling na magpapawalang-bisa sa karamihan na pag-aangkin ng China sa South China Sea (SCS).

“We have a very important ruling in our favor and we will use it to continue to assert our territorial rights. It is not a claim. It is already our territorial right,” ayon kay Marcos.

Aniya pa, ipagtatanggol niya ang sobereniya ng Pilipinas at hindi niya ito kailanman iko-kompromiso sa kahit na anumang paraan.

“We will not allow a single square, and maybe make it even more smaller, single square millimeter of our maritime coastal and up to 200 kilometers rights to be trampled upon,” ang pahayag ni Marcos.

Sinabi pa niya na kakausapin ng kanyang gobyerno ang China “with a firm voice” hinggil sa usapin.

Gayunman, binigyang-diin ni Marcos na hindi siya makikipag-giyera sa China sabay sabing “the last thing we need right now”.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na igigiit niya kay Chinese President Xi Jinping ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kabilang ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Tatalakayin din ng Pangulo kay Xi ang pagpabor ng arbitral tribunal sa Pilipinas.

Nais ding malaman ng Pangulo kay Xi kung bakit tila nagkakaroon ng delay sa pagbuo ng code of conduct sa mga bansang may territorial claims sa rehiyon. Kris Jose