Karapatang pangkalusugan ng kababaihan naisasantabi sa pandemya – DOH, UN  

Karapatang pangkalusugan ng kababaihan naisasantabi sa pandemya – DOH, UN  

January 21, 2022 @ 7:11 AM 7 months ago


MANILA, Philippines  – Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Health (DOH), kasama ang United Nations Population Fund (UNFPA), ukol sa epekto ng pagtaas ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases at hagupit ni bagyong Odette sa mga buntis na kababaihan women.

Iniulat kasi ng DOH na may insidente na tinanggihan ng isang ospital ang isang babaeng kasalukuyang nagle-labor dahil sa apaw na kapasidad sa COVID-19 patients.

Giit ng DOH na tumataas ang posibilidad na malagay sa panganib ang mga buntis na kababaihan at kanilang mga hindi pa naisisilang na anak sa pag-abot sa sukdulan ng kapasidad ng isang ospital.

Sa datos mula Philippine Statistics Authority (PSA) Civil Registry, tinatayang nasa 30 porsyentong mas mataas ang panganib na mamatay ang isang ina sa panganganak nitong 2020, habang pareho ang trend sa 2021.

Sa isinagawang pag-aanalisa ng UNFPA noong 2020, napag-alamang mas maraming kababaihan ang nanganak sa kanilang kabahayan kumpara sa mga nakalipas na taon.

Sa Metro Manila, tatlong beses na mas marami ang inang nanganak sa kanilang bahay noong January 2021 kumpara sa nakalipas na taon bago ang pandemya.

“The needs of pregnant and lactating women and victims of domestic violence must not go unnoticed. We must ensure the continuity of essential and life-saving SRH and GBV services not just throughout the course of the pandemic but also beyond these trying times,” ani Health Secretary Francisco Duque III.

“We need to act quickly and together to ensure women and girls experience safe pregnancy and childbirth, have continued access to sexual and reproductive health services, and be protected from domestic violence during this Covid-19 surge and throughout the Typhoon Odette relief efforts,” sinabi naman ni UNFPA Philippine Country Representative, Dr. Leila Joudane.

Dahil dito, ipinanawagan ng UNFPA at DOH sa mga ospital, pribado man o pampubliko, na ikonsidera ang pangangailangan ng mga buntis. RNT