KARAPATANG PANTAO TODAS SA COVID-19 SA USA

KARAPATANG PANTAO TODAS SA COVID-19 SA USA

January 28, 2022 @ 12:26 AM 8 months ago


KATATAPOS lang magdesisyon ang Supreme Court ng United States ukol sa mandato ni US President Joseph Biden na sapilitang pagpapabakuna ng mga kompanya na may 100 obrero pataas.
Sinabi ng Supreme Court na walang batayang batas ang kautusan ni Biden para sa sapilitang pagbabakuna.
Subalit nauugat naman ang kawalan ng batas para rito sa pagkontra ng maraming apektadong kompanya at milyong-milyong mamamayan na mula sa nasa 80 milyong hindi bakunado, bukod sa pagkontra rin dito ng mga kakampi ni dating Pangulong Donald Trump.
Katwiran ng mga kumokontra, karapatang-pantao nila kung ano ang gawin nila sa kanilang mga sarili o katawan.
Sa huli, sinabi na lamang ng SC na tanging ang mga health worker na nasa ilalim at sumasahod sa gobyernong pederal ang pupwedeng pilitin ng pamahalaan na magpabakuna.
REKORD NG US SA COVID-19
Sa gitna ng pagkabigo ng pamahalaang Biden na protektahan ang buhay ng mga mamamayang US, kasama na ang nasa 4.2 milyong Pinoy, patuloy ang matinding pagkakasakit at kamatayan sa kanyang bansa.
Ngayong nananalasa ang Omicron variant na nagkaanak na rin sa nasabing bansa, apektadong-apektado ang mga Pinoy, lalo na ang mga ayaw ring magpabakuna.
Heto ang rekord ng US araw-araw na nagresulta na ng pagkaka-COVID ng 74,176,403, kasama ang mga nangagsimatay na 898,680 simula nang atakehing ng pandemya ang US noong 2020.
Silipin natin ang maigsing panahon na pananalasa ng Omicron variants na BA.1 at anak nitong BA.2.
Noong Enero 11, 2021, may 1,398,242 na nagkasakit at may 1,980 na patay at kinabukasan, may 729,604 na nagkasakit at 2,560 na patay.
Pagdating ng Enero 13, may 968,533 nagkasakit at namatay na 2,995; Enero 14 – 877,066 nagkasakit, 2,321 patay; Enero 15 – 973,060 nagkasakit, 2,874 patay; Enero 16 – 454,748 nagkasakit; 1,063 patay; Enero 17 – 331,250 nagkasakit, 415 patay; Enero 18 – 637,607 nagkasakit, 783 patay; Enero 19 – 1,133,864 nagkasakit, 2,893 patay; Enero 20 – 1,041,346 nagkasakit, 3,736 patay; Enero 21 – 736,512 nagkasakit, 2,927 patay; Enero 22 – 849,717 nagkasakit, 3,740 patay; Enero 23 – 333,978 nagkasakit, 980 patay; Enero 24 – 197,374 nagkasakit, 574 patay; Enero 25 – 1,032,759 nagkasakit, 2,398 patay; Enero 26 – 490,495 nagkasakit, 3.285 patay; Enero 27 – 727,218 nagkasakit, 3,800 patay.
Kung mapansin ninyo, may apat na araw na may mahigit isang milyon ang nagkasakit at naglaro sa mahigit 2,000 hanggang sa halos 4,000 ang namatay sa mga araw na ito.
At nagmumula sa mga hindi bakundao ang nasa 95 prosyento sa mga nagkakasakit at namamatay.
Ganyang katindi ang COVID-19 sa bansang gustong malaya at nagmamahal sa karapatang pantao nang higit sa kalusugan at buhay.
SIMPLENG TANONG: Gusto ba nating mangyari ito sa ating bansa sa ngalan ng kalayaan at karapatang pantao?