Karen Bordador, pinaringgan si TJ Valderrama?

Karen Bordador, pinaringgan si TJ Valderrama?

December 9, 2021 @ 8:23 AM 10 months ago


Manila, Philippines – “Cancelled King?”

Matapos ma-cancel sa social media world, mukhang cancelled na rin si TJ Valderrma sa jowang si Cherry matapos ang pagiging touchy nito sa housemate na si Shanaiah Gomez.

Ouch! Siya na yata ang “cancelled king” talaga.

Sa paglabas nito ng Bahay ni Kuya, umani ito nang pinakamaraming eviction votes na ayon sa netizens ay well “dasurv” naman.

Pero ang bagong usap-usapan ngayon, mukhang tinira siya ng ex housemate rin na si Karen Bordador sa isang Tweet.

“‘Yung sinabi mo sa mundo na taken ka, tapos paglabas sa bahay ni Kuya single ka na pala,” Tweet ni Bordador na pinagkakatuwaan ngayon ng mga tao sa social media.

Mukhang pati siya, hindi nagustuhan ang asal ni Valderrama.

Matatandaang sinubukan ding tawagan ng pansin ng girlfriend ni TJ ang PBB dahil sa hindi niya nagustuhang asal ng nobyo sa loob ng bahay. Bukod dito, binantaan niya pa ang ito na may second eviction pa itong mararanasan matapos itong mapatalsik sa reality show.

Aray! Mukhang may title na nga ang ex PBB housemate na si TJ Valderrama. Negative nga lang. Huhu. Paula Jonabelle Ignacio