Karen, mas kinampihan kesa kay Dennis!

Karen, mas kinampihan kesa kay Dennis!

December 8, 2022 @ 2:17 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Wala pa ring katapusan hanggang ngayon ang walang patumanggang hanash ni Dennis Padilla laban kay Karen Davila.

Ipinagsisintir pa rin ng komedyante nang hindi tumupad si Karen na kunin ang kanyang panig bilang reaksyon sa mga pahayag ng anak na si Julia Barrretto.

Kung matatandaan, naunang kapanayamin ni Karen ang Viva actress.

Selyado na sana ang usapan na nakatakdang isalang ni Karen si Dennis sa isang one-on-one interview.

For some reason, hindi ito natuloy.

Pinapalagay na posible raw na pumasok na sa eksena ang Viva para pigilan si Dennis.

Lalo nga lang daw lalawig ang hidwaan sa mag-ama had Dennis’ interview by Karen pushed through.

Kaso, si Karen ang tila napagdiskitahan ni Dennis.

Ayon sa komedyante, kaya niyang tumingin nang diretso kay Karen na itinuring pa mandin niyang journalist.

Eh, si Karen daw kaya ay makatingin nang diretso sa kanya?

Dahil dito’y ginising na naman ni Dennis ang pagkadismaya ng mga netizen.

Tiyak naman daw kasi na kung natuloy ang panayam ni Karen sa kanya’y magagalit na naman uli ang mga anak niya sa kanya.

Paulit-ulit lang daw mangyayaring ginagalit o sinasaktan ni Dennis ang damdamin ng kanyang mga anak.

At dahil dito’y magiging imposible lang ang hinahangad niyang pakikipagkasundo sa mga anak.

Payo ng mga netizens kay Dennis, ibaling na lang nito ang kanyang panahon sa mga makabuluhang bagay kesa magngakngak nang magngakngak!

Kunsabagay, pag paulit-ulit na lang ay nakakaumay na! Ronnie Carrasco III