Karl Tiuseco, nagbabalik-showbiz!

Karl Tiuseco, nagbabalik-showbiz!

July 7, 2022 @ 4:52 PM 1 month ago


Manila, Philippines – After a long hiatus ay nagbabalik ang indie actor at kapatid ng Kapuso actor na si JC Tiuseco, si Karl.

Mahal talaga ni Karl ang showbiz pati na ang acting and singing kaya naman hindi niya mapigilan ang magbalik-showbiz.

Nu’ng nawala siya sa limelight ay sinubukan niyang pumasok sa call center company at tumanggap ng managerial position, right after na maka-graduate siya sa Trinity University.

“I want to comeback. To be an actor and a singer were my dreams when I was a kid. I want to prove myself as a real entertainer. I was studying in college when I did some roles in indie films. But I stopped acting because I wanted to concentrate on my studies,” sabi ni Karl.

Sa ngayon ay mas matured na si Karl, enough to decide on what to do in his life. He wants to try his luck again in showbiz world.

Karl is looking forward to be busy, sooner than soon.

Bet ni Karl na maka-partner si Bea Alonzo or so Ashley Ortega. Noel Asinas