Karla, nilayasan ang Magandang Buhay, lilipat sa AMBS!

Karla, nilayasan ang Magandang Buhay, lilipat sa AMBS!

July 26, 2022 @ 3:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Labag man sa kanyang damdamin, pormal nang nagpaalam si Karla Estrada sa Magandang Buhay.

Ipinost ni Karla ang kanyang pamamaalam sa Facebook at Instagram.

Aniya, mami-miss niya ang limang taong pamamalagi sa morning show kasama sina Jolina Magdangal at Melai Contiveros.

Momshie ang tawagan ng tatlo sa isa’t isa.

Matatandaang lumisan si Karla sa naturang programa nang mag-file ng certificate of candidacy.

Tumakbo siya bilang kinatawan ng Tingog partylist.

Dalawang upuan ang nakuha nito sa Kongreso.

Ikatlong nominee si Karla kaya hindi siya napasama.

Bigo man, aniya’y may gawain daw sa party list na pagkakaabalahan niya.

Ito ang bagong hamong haharapin ng aktres ngayong wala na siya sa Magandang Buhay.

Samantala, ayon mismo kay Karla ay may alok daw ang ibang TV network sa kanya.

Malakas ang usap-usapan na lilipat siya sa AMBS na pag-aari ng bilyonaryong si Manny Villar.

Hindi binanggit ni Karla kung anong klase ng programa ang kabibilangan niya. Ronnie Carrasco III