Karneng nabibili online, delikado – NMIS

Karneng nabibili online, delikado – NMIS

July 18, 2020 @ 11:07 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilabas na ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa ilalim ng Department of Agriculture ang guidelines para sa mga consumer na bumibili ng karne sa online kaugnay ng mga ulat na ibinebentang karne na kontaminado.

“Without physical access to the items being sold, consumers buying meat online have no way of knowing its quality and rely mainly on textual description and images provided by the seller,” saad ng NMIS sa kalatas.

“In buying highly perishable food like meat, any inaccurate, false, or exaggerated presentation of facts may cause potential food safety hazards,” dagdag pa nito.

Inabisuhan din ng NMIS ang mga mamimili na bumili lamang sa mga lisensyadong supplier.

“Bear in mind that meat must be kept in a cooler or insulated container to keep its freshness and avoid spoilage. Chilled meat is cold to the touch, while frozen meat must be rock solid. In the case of imported meat, its frozen state must be maintained at all times until such time that it will be cooked,” giit pa sa kalatas.

Bukod pa rito, inabisuhan din ang publiko na alamin ang travel time mula sa physical store hanggang sa kanilang tahanan.

Batay sa NMIS, hindi dapat lumagpas sa dalawang oras ang delivery time upang hindi makontamina. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...