Karpintero arestado sa pagbebenta ng ‘bato’

Karpintero arestado sa pagbebenta ng ‘bato’

December 6, 2022 @ 12:35 PM 2 months ago


ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang karpintero matapos na maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Katipunan, Sinait ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Sinait Municipal Police Station ang suspek na si Isagani Corpuz y Pulido, 29, walang asawa, residente ng naturang lugar.

Ang suspek ay naaresto habang nasa aktong binebentahan umano nito ang poseur buyer ng dalawang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Nakabalot umano ng kulay puting face mask ang naturang item nang iniaabot ito ng suspek sa poseur buyer.

Bukod rito, isang maliit na plastic container ang nakuha ng mga otoridad mula sa possession ng suspek na may kargang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu.

Narekober ng mga otoridad ang ginamit na buy-bust money.

Tinatayang tumitimbang ng .4 gramo at nagkakahalaga ng P2,720.00 ang nakumpiska ng mga otoridad na hinihinalang shabu sa naturang buy-bust operation.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa mula Sinait MPS (lead unit), PDEA-ISPO, RPDEU, ISPIU/PDEU, RID at 1st ISPMFC. Rolando S. Gamoso