Kasal nina Derek at Ellen, ngayong 2021 na!

Kasal nina Derek at Ellen, ngayong 2021 na!

April 7, 2021 @ 11:25 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kapwa tiniyak nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na matutuloy ang kanilang pag-iisang-dibdib ngayong 2021.

Pero hindi nila binanggit ang eksaktong petsa ng kanilang altar date.

Matatandaang March 28 noong mag-propose si Derek sa nobya. Pebrero noong maging officially na silang magkasintahan mula noong magkapalagayan ng loob nitong early part ng January.

Kung si Ellen ang tatanungin, “I don’t want fancy weddings. I hate wearing gowns.”

Aniya, mas simple ay mas gusto niya. Ayaw niya ng magarbong kasalan na karaniwang nasasaksihan sa mga celebrity weddings.

Samantala, nagsalita na si Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz, “I’m not saying I’m better than JL.”

Nagkataon daw kasi noong nagkakilala sila ni Ellen ay kapwa sila handang pumasok sa panibagong relasyon.

Ani Ellen, “First, it’s the connection, the communication. With my exes, I never had time to communicate with them. When I met Derek, I already fixed myself, my life.”

Aminado si Ellen na dumaan siya sa depresyon noong bago pa lang niya nakilala ang Fil-Brit actor. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •