Kasal nina Kathryn at Daniel, sa 2023 na!

Kasal nina Kathryn at Daniel, sa 2023 na!

December 2, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


Manila, Philippines –  Paborito nang linya ni Cristy Fermin ang paglalarawan sa kanyang source ng mga juicy items: hindi nanununog at hindi nangunguryente.

Ang pagkakaroon ng beteranong kolumnista ng mga reliable source ang isa sa mga bentahe niya.

Kadalasan, mga kaibigan, kakilala o malalapit sa kanya ang pinagmumulan ng kanyang mga ibinabalita.

Tulad ng iniere niyang scoop sa programa niyang Showbiz Now Na.

Ayon sa kanyang mapagkakatiwalaang source, ipinagpipilitan daw niyo na may kasalang magaganap sa real-life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito’y sa kabila ng katotohanang hindi pa nagpo-propose ang aktor sa kanyang kasintahan.

Welcome news naman ito para kay Cristy.

Aniya, “It’s about time.”

Labing-isang taon na nga namang tumatakbo ang relasyon nina Katryn at DJ (palayaw ni Daniel).

Matatandaang nasagot na ng couple ang tanong kung ano para sa kanila ang ideal marrying age.

Daniel is one year older than his girlfriend.

At ang edad na kapwa nila isinagot sa tanong ay edad nila pagsampa ng taong 2023!

Based on this premise, mukha ngang may katotohanan ang ipinarating ng source ni Cristy.

Pero dahil pumasok na ang buwan ng December, anytime between now and the months thereafter ang posibleng engagement nila.

Mukha namang may basbas ang kanilang napipintong pag-iisang-dibdib mula sa kani-kanilang mga ina, Mommy Min at Karla Estrada, respectively.

Inaasahang biggest showbiz event ang kasalang Kathryn-Daniel next year! Ronnie Carrasco III