Kasal nina Maja at Rambo noong V day, fake news!

Kasal nina Maja at Rambo noong V day, fake news!

February 19, 2023 @ 12:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Mismong si Boy Abunda ang nag-anunsyo sa kanyang programang Fast Talk sa GMA na hindi totoong ikinasal na ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

May mga tsika kasi lately that the couple got hitched nitong February 14, mismong Valentine’s Day.

Naganap din daw ang wedding reception sa isang hotel sa Pasay City.

Pero mula sa impormasyong nakalap ng King of Talk ay sa July pa this year magaganap ang kasal.

Pinagdudahan kasi that the wedding took place dahil ayaw magsalita ang ilang celebrity friends ng couple to confirm the talks.

Naikunek nila ito sa ipinahayag ni Maja at a recent interview na ibalato raw sa kanila ni Rambo ang petsa ng kanilang altar date.

Hindi naman daw sa gusto nilang isikreto o gawing under wraps ang okasyong ‘yon pero as much as possible daw ay ayaw nila itong isapubliko.

May mga nanghuhula rin kasi kung sino sa kanila ng kasamahan sa Eat Bulaga na si Maine Mendoza ang mauunang ikasal.

As we all know, just like Maja to Rambo ay engaged na rin si Maine sa nobyo nitong si Quezon City first district Representative na si Arjo Atayde.

Paniniyak ni Maja, ipaaalam niya sa mga kaibigang showbiz press kung kailan sila ikakasal ng boyfriend, owing to the fact na malaki ang naitulong ng mga ito sa kanyang showbiz career.

Balak din daw ni Maja na kuning wedding sponsors ang mga bossing ng Eat Bulaga.

Marami naman ang nagtataka kung bakit July ang napili nilang wedding month gayong nakasanayan na ang June bride.

Si Rambo ay may pinanghahawakan ding mataas na tungkulin sa Crown Artist Management na pag-aari ni Maja.

It manages the career of John Lloyd Cruz, among others. Ronnie Carrasco III