Kasalan napag-uusapan na nina Bea, Dom!

Kasalan napag-uusapan na nina Bea, Dom!

March 27, 2022 @ 3:00 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Napag-uusapan pero ‘not on a serious level.’

Ganito raw ang estado ng magkasintahang Bea Alonzo at Dominique Roque as far as wedding being a topic is concerned.

Inamin ni Bea na nakakasiguro na raw si Dom bilang future partner.

But it would be better daw kung tanungin na lang si Dom kung sure ba ito na si Bea ang gustong pakasalan.

Speaking of which, napag-uusapan daw   nila ang tungkol sa pagpapakasal, “Pero hindi ‘yung tipong seryoso. Alam naman kasi niya ang mga priorities ko.”

But Bea was quick to admit na medyo natagalan siya bago inamin ang tungkol sa kanila ni Dom.

Aniya, she wanted to be sure para hindi mapahiya.

Having nice words for Dom, what if bigla itong mag-propose ng kasal, setting aside ‘yung sinasabi niyang priorities?

“Oo!” mabilis niyang sagot.

Kunsabagay, 34 na si Bea while Dom is 32. Kung doon din naman papunta ang kanilang relasyon, why wait too long? Ronnie Carrasco III