Kasalang Mansano, may part 2!

Kasalang Mansano, may part 2!

April 7, 2021 @ 7:33 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – February 21 pa noong ikinasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola pero nito lang in-upload ng huli ang okasyong ginanap sa The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas.

Pero may aabangan pa ang ngayo’y official husband and wife dahil may pinaplano pa silang beach wedding sa Palawan sa December.

‘Yun nga lang, mas limitado raw kumpara sa kanilang Lipa wedding attendees ang balak nilang imbitahan. Mga pami-pamilya lang ng mag-asawa raw ang kanilang iimbitahan.

“Yun ay kung huhupa na by then ang pandemic.

Ngayon pa lang ay marami na ang nagkukuwenta kung magkano aabot ang gastos sa dalawang kasal.

Nauna nang napabalita na engagement ring pa lang ni Jessy ay nagkakahalaga na ng P5 million.

Sa kanilang Palawan beach wedding, natural sagot ng mag-asawa ang air fare, hotel accommodations at iba pang gastusin ng kanilang mga guests. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •