KASAMBAHAY SA LOOB NG HALOS 40 TAON, WALANG NATATANGGAP NA 13TH MONTH PAY

KASAMBAHAY SA LOOB NG HALOS 40 TAON, WALANG NATATANGGAP NA 13TH MONTH PAY

February 18, 2023 @ 12:20 PM 1 month ago


Isang kasambahay sa Iligan City ang nakakuha ng P30,000 katumbas ng hindi nabayarang 13-month pay ng kanyang amo matapos ang pag-uusap sa pamamagitan ng programang Single-Entry Approach (SEnA) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang SEnA ay isang administratibong pamamaraan na nagbibigay ng mabilis, walang kinikilingan, at hindi   magastos na paraan sa pag-aareglo ng mga isyu o reklamo na nagmumula sa relasyon ng employer at manggagawa upang maiwasang maging ganap na kaso.

Sa ilalim ng pamamara-ang ito, ang lahat ng usapin sa paggawa at trabaho ay sumasailalim sa 30-araw na mandatory na prosesong conciliation-mediation upang maayos ang di-pagkakaunawaan ng mga partido.

Ayon kay DOLE-X Lanao del Norte Field Office OIC-Chief Atty. Safrali S. Cabili, tinanggap ni Single Entry  Approach Desk Officer (SEADO) Annie Raidah Mua ang reklamo mula sa kasambahay na si Thelma Abioda noong Enero 12, 2023 at agad siyang nagtakda ng conciliation-mediation conference sa pagi-    tan ni Abioda at ng kanyang amo at nagkaroon agad ng   kasunduan noong Enero 17.

Sinabi ni Cabili na pinagbigay-alam niya sa magkabilang panig ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas-paggawa.

Si Abioda ay isang kasambahay at tagapagbantay ng isang paupahang bahay sa lungsod sa loob ng halos 40 taon.

Gayunpaman, siya ay nagbitiw dahil sa kanyang problema sa kalusugan.

Sa ginanap na pagpupulong, ang bagong tagapag-bantay ng paupahang ba-hay, sa ngalan ng may-ari, ay nag-alok ng P30,000 kay Abioda, na kanyang tinanggap bilang kabayaran sa kanyang 13th month-pay at tulong-pinansiyal at ganap na pagsasaayos ng kanilang usapin.

“Dako ang natabang sa ako ang DOLE kay nabayaran ko sa akong employer ug nalipay ko sa ilang serbisyo kay nalinawan ko ug engsakto sa tanan nakong mga pangutana. Akong pasalamat kay Mam Annie ug kang Atty. Safrali sa paspas kaayo nila nga serbisyo. Daghang Salamat.”

{Malaki ang naitulong sa akin ng DOLE dahil agad akong nabayaran ng aking amo at lubos akong nakuntento sa kanilang serbisyo. Nasagot nila ng tama ang lahat ng aking katanungan. Malaki ang pasasalamat ko kay Mam Annie at kay Atty. Safrali para sa kanilang napakabilis na serbisyo. Maraming salamat.}