Kaso laban kay Rep. Teves, pilit at hilaw

Kaso laban kay Rep. Teves, pilit at hilaw

March 8, 2023 @ 3:15 PM 3 weeks ago


Kasunod ng biglaang paglutang ng pamilya na biktima umano noong 2019 at pagsasampa ng kasong murder laban kay Negros Oriental 3rd Rep. Arnie Teves sa Department of Justice (DOJ) ay agad naging mainit sa netizens at media.

Anang ilang netizens ay tila hilaw na hilaw at kahit itanggi man ay halata na sinasamantala lang ang isyu sa pagkakapaslang kay Gov. Roel Degamo ng Negros Oriental.

Makikita sa comments ng mga sari-saring news media na karamihan ay natatawa na para daw pelikula lang ang nangyayari.

Ayon pa sa iba, mukhang matindi ang may galit sa mambabatas na kilala sa programa sa Tele-radyo na “Aksyon, Tulong, Solusyon” kung saan ito naghahatid ng tulong sa halos lahat ng sulok ng bansa.

Si Teves ay isa sa pinaghinalaan sa pamamaslang kay Gov. Degamo ng kaanak at supporters nito.

Naniniwala ang mga supporter at taga-subaybay na lalabas ang katotohanan at malilinis ang pangalan ni Rep. Teves. RNT