Kaso laban kay Vhong Navarro, tuluyan ng binasura ng DOJ

Kaso laban kay Vhong Navarro, tuluyan ng binasura ng DOJ

July 13, 2018 @ 2:06 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tuluyan nang binasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong  rape at attempted rape laban sa aktor at TV host na si Ferdinand “Vhong” Navarro.

Sinampahan ng modelong si Deniece Cornejo si Navarro ng two counts of rape na umano’y nangyari sa condominium unit noong January 17 at 22, 2014.

Sa 20-pahinang resolusyon na may petsang April 30, tuluyan nang ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo para sa reversal ng muling pag-review ng resolusyon ng DOJ Prosecutor General noong September 6, 2017.

Sa pagdinig noong April 30. Sinabi ni DOJ na “no sufficient evidence to warrant [Navarro’s] indictment for rape and attempted rape, there is no compulsion to indict him accordingly.”

Ang resolusyon noong September 2017 ay binaligtad ang naunang rekomendasyon para sa pagsasakdal kay Vhong sa korte.

Nanindigan ang DOJ sa nauna nilang desisyon na si Cornejo, “suffers from a very serious credibility issue” dahil sa “major inconsistencies” sa tatlong complaint-affidavits laban kay Navarro.

Matatandaan na sa unang reklamo ni Cornejo sinabi niya na walang rape na nangyari, sinundan ng pag-amin niya sa ‘rape by force’ habang sa pangatlong complaint niya naman ay sinabi niya na ang alegasyon sa panggahasa ay nangyari gamit ang drug-laced wine na naging sanhi ng pagkahilo niya at panghihina.

Hindi rin kinonsidera ng DOJ ang sinabi ng modelong ‘new evidence’ laban kay Navarro gaya ng record ng dalawa sa mga unang rape complaint ng dalawang babae, statement mula sa isa pang babae na umano’y nagpapakita ng “character and malicious tendency to take advantage of and rape women,” ni Navarro at pinaghihinalaang date-rape drug.

Sinabi ng DOJ na ang sinasabing bagong ebidensiya ay una nang nadiskubre at mayroon na noon pa.

“In other words, these pieces of evidence are not newly discovered evidence and are being introduced in violation of the principle governing newly discovered evidence.”

Patungkol naman sa kaiba pang kaso ng rape, sinabi rin ng DOJ hindi nito matutulungan ang kaso ni Cornejo na  “incredible account of the incident.” Sinabi rin sa na ang unang complaint “are not evidence to prove that, one, [Navarro] really raped them and two, he raped [Cornejo].”

“Her case implodes from its own weakness. It would be such a stretch to breathe credibility into what is essentially lifeless simply because [Navarro] fits the profile of a rapist. The profile does not help,” binigyan diin pa ng resolusyon. (Remate News Team)