Kaso ng Chikungunya, tumaas – DOH

Kaso ng Chikungunya, tumaas – DOH

December 10, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Tumaas ang kaso ng Chikungunya sa bansa kumpara sa nakaraang taon, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH na patuloy nilang binabantayan ang mga kaso ng naturang viral disease.

Pero, ayon kay Vergeire, nakatuon ang surveillance system sa COVID-19 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso noong nakaraang taon kaya maari aniyang isa ito sa kadahilanan kayaemas mababa ang naitala noong nakaraang taon dahil sa pangyayari sa COVID-19.

Aniya ang Chikungunya ay buhat sa kagat ng lamok na kadalasang sintomas ay lagnat, joint pain,headache,muscle pain at rashes.

Ang naiiba lamang aniya sa Chikungunya ay ang pananakit ng kasu-kasuan.

Dumadapo rin ang naturang sakit sa lahat ng age groups.

Upang makaiwas sa sakit na ito, nagpaalala ang Health OIC na panatilihing malinis ang kapaligiran, itapon ang mga naiipong tubig, at magsuot ng mga damit na mahahaba.

“Kailangan po mag-prevent tayo, linisin ang kapaligiran itapon yung mga tubig na stagnant sa ating kapaligiran, and of course we protect ourselves by wearing mahahabang damit para hindi nakakagat ng lamok at kapag may sakit na magpatingin,” ani Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden