Kaso ng cholera sa Negros Occidental tumataas

Kaso ng cholera sa Negros Occidental tumataas

October 19, 2022 @ 3:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ng mga opisyal ng Negros Occidental ang pagtaas ng ksao ng cholera sa tatlong lungsod at isang bayan s aprobinsya.

Ayon kay Dr. Ernell Tumimbang, provincial health officer, mayroon nang 12 kaso ng cholera ang naiulat at mayroong dalawang nasawi sa loob lamang ng tatlong linggo.

Sa mga apektadong lungsod at bayan, ang Silay City ang may pinakamataas sa limang kaso at isang nasawi.

Naitala naman ang apat na kaso ng cholera at isang nasawi sa EB Magalona, dalawang kaso sa Talisay City at isa naman mula sa Victorias City.

Ang Bacolod City naman ay mayroong siyam na kaso ng cholera na nakukuha dahil sa kontaminadong tubig.

Dahil dito ay hinimok ng mga opisyal sa probinsya ang publiko na siguraduhin malinis ang kakainin o iinumin na tubig.

“They have been advised to boil their drinking water or subject it to chlorination,” paalala ni EB Magalona Mayor Marvin Malacon, alkalde ng isa sa mga apektadong bayan. RNT/JGC