Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 103,185

Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 103,185

August 2, 2020 @ 4:33 PM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Lumubo pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa na nadagdagan ng 5,032 panibagong kaso dahilan para umabot na ito sa mahigit 100,000 sa kasalukuyan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang pang-apat sa pinakamataas na panibagong kaso ng nasabing sakit sa bansa na may kabuuang 103,185 cases.

Maliban dito, umakyat naman ng 2,059 ang bilang ng mga namatay matapos madagdagan ng 20  habang nadagdagan din ng 301 ang recoveries na may kabuuang 65,557.

Nangunguna naman ang Metro Manila sa may pinakamaraming kaso ng panibagong nagpopositibo sa COVID-19 na may 2,737 kung saan sinundan ito ng Cavite na may 463; Cebu na nakapagtala ng 449; Laguna  na may 326; at ang Rizal na may 201 new cases.

Bunsod nito, malapit nang malampasan ng bansa ang pinakamaraming kaso ng nasabing sakit sa Southeast Asia na pinangunahan ng Indonesia na may 109,936 cases na. RNT/LF

Share

Comments (3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...