Kaso ng COVID bumaba sa 10% noong nakaraang linggo-DOH

Kaso ng COVID bumaba sa 10% noong nakaraang linggo-DOH

October 11, 2022 @ 7:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippiens – Bumaba ang naiulat na COVID-19 infection sa bansa noong nakaraang linggo, ayon sa Deparent of Health (DOH).

Pero paalala ng ahensya, maari pa rin itong tumaas nang malaki sa katapusan ng Oktubre kung ibababa ng publiko ang kanilang pagbabantay laban sa virus.

Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, DOH Epidemiology Bureau director na ang 2,048 daily average COVID-19 cases na naitala noong Okt. 3 hanggang 9 ay nagpapakita ng 10% na pagbaba mula sa nakaraang linggo.

Aniya kung ang pagsunod ng mga tao sa pagsusuot ng face mask, social distancing at iba pang mga hakbang sa kaligtasan laban sa COVID-19 ay luluwag pa, sinabi niya na ang mga impeksyon sa araw-araw ay maaaring umabot sa pagitan ng 4,055 at 8,670.

“With the emergence of a new variant, this may lead to a sharp increase in hospitalization at the beginning of 2023 in NCR (National Capital Region). However, the effects of the emergence of a new variant that may be more transmissible or immune escaping, may be minimized with vaccination, especially with our booster and also prioritizing the elderly, which has a much higher reach for mortality,” ani De Guzman.

Mula nang magsimula ang pandemya, hanggang 14.5 sa 100 katao na may edad 60 taong gulang pataas ang namatay dahil sa impeksyon sa COVID-19.

Gayunpaman, binanggit ni De Guzman ang malaking pagbaba sa 1.4% hanggang 3.3% na pagkamatay sa mga nahawaang mas matandang populasyon noong Agosto at Setyembre dahil sa mas malawak na saklaw ng bakuna.

Binanggit din ni De Guzman na malaking bahagi ng mga kamakailang pagkamatay ay kabilang sa bahagyang nabakunahan o unvaccinated.

Muling namang ipinaalala ng ni De Guzman ang halagahan ng pagpapabakuna sa mga nakatatanda na nasa panganib ng pagakkaospital at pagkamatay dahil sa virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden