Kaso ng COVID sa NCR bababa sa 1K sa Valentine’s Day

Kaso ng COVID sa NCR bababa sa 1K sa Valentine’s Day

January 22, 2022 @ 12:25 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Posibleng bumaba sa 1,000 ang kaso ng COVID sa Araw ng mga Puso, batay sa OCTA.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Guido David sa CNN Philippines’ The Source na posible pang bumaba sa 500 ang kaso ng COVID sa katapusan ng Pebrero.

“Hopefully by Valentine’s Day, it will be down to 1,000 cases per day in NCR (National Capital Region). By end of February, these are my new projections, it could be down to less than 500,” ani David.

“These are just projections, we hope these will come to fruition.”

Maaari naman itong bumaba sa 2,000 hanggang 3,000 sa katapusan ng Enero. RNT/FGDC