Kaso ng COVID sa Pangasinan, lumobo – OCTA

Kaso ng COVID sa Pangasinan, lumobo – OCTA

September 14, 2022 @ 2:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakitaan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang Pangasinan.

Ito ang iniulat ng OCTA Research Group makaraang makapagtala ng 92% na one-week growth rate ang naturang probinsya.

Ayon kay Dr. Guido David, ang positivity rate sa Pangasinan mula 6.9 noong Setyembre 10 ay tumalon agad sa 10.9% nitong Setyembre 12.

“Pangasinan with a spike in new COVID-19 cases. The 7-day average of new cases increased by 92%, from 36 to 69,” ani David sa kanyang Twitter post.

Bumilis rin ang reproduction number mula sa 1.10 na ngayon ay 1.40 na bagama’t nananatiling mababa pa ang average daily attack rate o ADAR na 2.18 per 100,000 population.

Sa kabila na nasa low risk status pa rin ang Pangasinan, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dapat na tutukan ng pamahalaan. RNT/JGC