Kaso ng COVID sa PNP umakyat na sa 42,191

Kaso ng COVID sa PNP umakyat na sa 42,191

November 28, 2021 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naitala ang dalawang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) personnel nitong Linggo, at umabot na sa 42,191 ang kabuuang kaso sa organisasyon.

Sa bilang na ito, 60 ang aktibong kaso, base sa datos mula sa PNP Health Service.

Nadagdagan naman ng walo ang mga paggaling na sa ngayon ay nasa 42,006 na.

Samantala, nananatili sa 125 ang death toll.

Nitong Sabado, nakapagtala ang Department of Health ng 899 bagong COVID-19 infections, ika-apat na araw kung saan mas mababa sa 1,000 ang naiulat na COVID-19 cases. RNT/SA