Kaso ng dengue sa Bacolod noong 2022, sumipa ng 190%

Kaso ng dengue sa Bacolod noong 2022, sumipa ng 190%

January 21, 2023 @ 5:00 PM 1 week ago


BACOLOD CITY- Nakapagtala ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa Bacolod City na mas tumaas ang bilang kaso ng dengue na umakyat sa 190%  noong nakaraan taon.

Sinabi ni Dr. Grace Tan, CESU head, nakapagtala sila ng kabuuan 1,020 kaso kabilang ang 14 na namatay noong 2022, kumpara sa nakalipas na 2 taon na mayroon 189.8% o 668 mas mataas kaysa sa 352 at tatlong nasawi na naitala.

Batay sa datos ng CESU, ang barangay Mansilingan ang may pinaka-mataas na bilang ng kaso noong nakaraan taon na may umanot sa 122; sinundan ito ng Taculing, 84; Estefania, 70; Tangub, 69; Singcang-Airport, 63; Villamonte, 62; Alijis, 54; Mandalagan, 51; Cabug, 49; at Sum-ag, 46.

Ang mga tinamaan na pasyente ay nasa edad 1-buwan hanggang 86 taong gulang habang ang edad na may pinakamaraming bilang ng mga kaso ay isa hanggang 10 taong gulang.

Sa Barangay Mansilingan, 3 ang naiulat na nasawi, 2 sa mga Barangay Granada, Tangub, Taculing; isa sa Barangays 8, 12, Singcang, Pahanocoy, at Sum-ag.

Ayon sa World Health Organization ang dengue ay isang viral infection na nailipat sa taon sa pamamagitan ng pagkagat ng lamok na nahawaan.

Sinabi naman ng Centers for Disease Control sa United States ang ilan sa mga sintomas ng dengue ay ang pagkahilo, pagsusuka, pantal, at pananakit ng mata, kadalasan sa likod ng mga mata, kalamnan, kasukasuan, o pananakit ng buto. Mary Anne Sapico