‘Luffy’ controversy ‘di makakaapekto sa Japan visit ni PBBM – DFA exec

February 1, 2023 @2:05 PM
Views: 4
MANILA, Philippines – Hindi makakaapekto sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo ang kontrobersiya sangkot ang apat na puganteng Japanese na kasalukuyang naka-detain sa bansa.
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Neal Imperial nitong Miyerkules, Pebrero 1 kung saan ang naturang isyu ay tinutugunan na ng Department of Justice at ng Japanese Embassy sa Maynila.
“If there is a decision to deport these concerned Japanese nationals, the Philippines will follow the timeline of deportation proceedings in accordance with the Philippine laws,” ani Imperial kasabay ng pre-departure briefing sa Malacañang.
Si Marcos ay bibisita sa Japan mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 12.
“We feel that this is totally unrelated to the visit of the President. This is a consular matter being handled by the Department of Justice and the Japanese Embassy here and our embassy in Japan with the Ministry of Justice in Tokyo,” pahayag pa ni Imperial.
“We don’t think it will affect, in any way, the visit of the President and we do not expect it to be raised during his meeting with counterpart.” RNT/JGC
Single ticketing system sa NCR sisimulan sa Abril – MMC

February 1, 2023 @1:52 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Sisimulan na sa Abril ang pagpapatupad ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metro Manila Council (MMC) head at San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Miyerkules, Pebrero 1.
“Within April, realistic ‘yan. Like what I’ve mentioned earlier, after today, it has been approved already. Aandar na ‘yung proseso natin,” pahayag ni Zamora.
Matatandaan na inaprubahan ng MMC ang Metro Manila Traffic Code na gagamitin para sa single ticketing system sa NCR.
Dahil dito, kailangan amyendahan ng mga LGU na kasama rito ang kani-kanilang mga ordinansa na may kinalaman sa mga polisiya sa trapiko hanggang Marso 15.
Layon ng single ticketing system na magkaroon ng iisang polisiya para sa mga traffic violations at penalty system sa rehiyon, o ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes, ang ahensya nila ang sasagot sa mga gastusin para sa mga kagamitan na kakailanganin sa bagong sistema. RNT/JGC
Screening sa PNP officials na nagpasa ng courtesy resignation, sisimulan na! – Abalos

February 1, 2023 @1:39 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Pinangalanan ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang bubuo sa advisory group na siyang magsasagawa ng inisyal na screening sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na naghain ng courtesy resignation.
Sa isang press conference na ginanap ngayong umaga, inanunsyo ni Abalos na ang mga miyembro ng advisory group ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr., dating National Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. at Retired Major General Isagani Nerez. Ang panglimang miyembro ay tumangging isapubliko ang kanyang pangalan.
Sinabi ng Kalihim ng DILG na agad nang magsisimula sa kanilang screening ang advisory group at inaasahang matapos ang buong proseso ng tatlong buwan.
“Mataas ang respeto natin sa limang volunteer advisors na ito na tumanggap ng napakahirap na hamon at responsibilidad na magsagawa ng imbestigasyon upang patuloy na masugpo ang iligal na droga sa bansa,” ani Abalos.
Kampante naman ang kalihim na magiging patas at walang kinikilingan ang magiging review ng advisory group “dahil sila ay kilalang may kredibilidad, integridad at magandang track record sa kani-kanilang larangan.”
Ang nasabing advisory group ang magsasala sa mga courtesy resignation ng mga matataas na opisyal ng PNP kasama ang National Police Commission (NAPOLCOM).
Binigyang-diin ni Abalos na hindi isang pormal na government appointment ang pagiging miyembro ng nasabing advisory group at pinakiusapan lamang ang mga volunteer advisors.
“Nililinaw ko lang na ito ay legal na proseso dahil ito ay advisory group lamang na siyang magrerekomenda sa National Police Commission (Napolcom) at sa kalaunan kay Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. Wala silang tatanggaping sahod o allowance dito,” aniya.
Hiningi ng kalihim sa publiko na suportahan ang imbestigasyon upang mapagtagumpayan ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
“Hinihiling ko po na ibigay natin ang ating 100% support sa kanila at patuloy tayong makiisa sa labang ito para masugpo ang droga na matagal ng nakakapaminsala sa ating bansa at nakakasira sa pangarap at kinabukasan ng mga inosenteng Pilipino,” dagdag ni Abalos. Jan Sinocruz
Maglive-in na tulak ng P.5M droga, timbog

February 1, 2023 @1:32 PM
Views: 16
ECHAGUE, ISABELA – Bumagsak sa bitag ng pulisya ang maglive in partner matapos na masamsaman ng halos mahigit kalahating milyong halaga ng shabu sa Barangay San Fabian, Echague, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang maglive in partner ay sina Marilou Saldoval, 52 anyos, vendor at live in partner na si Jhimuel Haduca,42 anyos, mekaniko at kapwa residente ng Barangay Daniel Fajardo, Las Pinas City.
Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Natividad, napag-alaman na nagpapanggap umanong buyer ng saging ang dalawa upang makapagbenta ng kontrabando sa dito sa lalawigan ng Isabela at sa boung rehiyon.
Ang mag-live in partner ay kabilang din sa mga High Value Individual o HVI at High Value Target o HVT ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police.
Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag live in partner. Rey Velasco
Patay sa masamang panahon, 44 na – NDRRMC

February 1, 2023 @1:26 PM
Views: 19