Kaso ng dengue sa Calabarzon, tumaas

Kaso ng dengue sa Calabarzon, tumaas

July 20, 2022 @ 4:58 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumataas na rin ang kaso ng dengue sa Calabarzon.

Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano, ito ang naoobserbahan ngayon ng mga pribadong ospital sa Region 4-A.

Samantala, batay sa datos na inilabas ng Department of Health-Region 4, pumalo na sa 5,571 ang dengue cases sa Calabarzon.

40% itong mas mataas kumpara sa naitala noong kaparehong panahon noong 2021 na nasa 3,989.

Pinakamaraming kaso ay naitala sa Laguna na may 1,806; Rizal, 1,161 at Quezon Province na may 987.

Nakapagtala rin ng 802 na kaso ng dengue sa Cavite; 745 sa Batangas at 70 sa Lucena.

Sa kabila nito, tiniyak ni De Grano na nakakayanan pa nilang tugunan ang mga pasyenteng dinadala sa mga ospital dahil sa dengue. RNT/ JCM