Kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa, tumaas – DOH

Kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa, tumaas – DOH

May 2, 2022 @ 5:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health nitong Lunes na tumaas ang kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, naitala ito sa Regions 2, 3, 7, 9, at CAR.

“When we say pagtaas, we compare the number of cases today with the previous time period, the same time period last year. Para masabi natin if they are going or nearing the epidemic threshold na tinatawag,” paliwanag ni Vergerie.

“Sa ngayon mino-monitor natin closely ang mga areas na ito. Nakapagbigay na tayo ng assistance and guidance to these areas,” dagdag niya.

Noong nakaraang buwan lang nang magdeklara ng dengue outbreak sa Zamboanga City matapos na umabot sa 893 ang naitalang kaso sa lungsod, mula Enero 1 hanggang Abril 2, kung saan 11 na ang napaulat na namatay.

Pero as of April 16, pumalo na sa 1,135 ang dengue cases sa Zamboang City at 14 na ang nasawi.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na pairalin ang “4S” para maiwasan ang kaso ng dengue kabilang ang “search and destroy mosquito-breeding sites, seek early consultations, self-protection measures, and support spraying/fogging.”

“So, we do the four-S – kailangan po natin maglinis ng ating mga paligid, ating likuran. Linisin po natin ang lahat ng nakakaipon ng tubig, lahat po ng mga kuyagot. Let’s do the four S every 4 pm,” ani opisyal.

Kasabay nito, hinimok din niya ang lahat ng local na pamahalaan na i-activate ang kanilang dengue brigades para mapigilan ang lalo pang pagkalat at pagtaas ng sakit. RNT/ JCM