Kaso ng dengue sa NegOcc lumobo ng 142.62%

Kaso ng dengue sa NegOcc lumobo ng 142.62%

February 13, 2023 @ 2:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lumobo ng 142.62% ang kaso ng dengue sa Negros Occidental sa simula pa lamang ng 2023.

Ayon kay Dr. Ernell Tumimbang, provincial health officer, mula Enero 1 hanggang Pebrero 4 ay nakapagtala na agad ang nasabing probinsya ng 148 kaso ng dengue kabilang ang isang nasawi dahil dito.

Sa kaparehong panahon noong 2022, 61 na kaso ng dengue lamang ang naitala ng probinsya, kasama ang dalawang nasawi.

Ang mga bayan ng San Carlos City, sa 20 kaso, sinundan ng Bago City (14), Silay City (14), Cadiz City (13), at Escalante City (8) ang may mga matataas na naitalang dengue cases.

Ani Tumimbang, tinututukan na nila ang sitwasyon ng dengue sa probinsya at gagawa ng paraan upang maiwasan pa ang paglobo nito, lalo na noong mga nakaraang linggo ay madalas ang mga pag-ulan.

“It’s too early to say that they (dengue cases) will rise further. It’s just the first quarter of the year. However, we should keep a close watch,” sinabi niya sa isang panayam.

Dagdag pa rito, ipinag-utos na rin umano nina Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson at Provincial Administrator Rayfrando Diaz ang mga pamamaraan upang masugpo ang dengue. RNT/JGC