Kaso ng Dengue sa Pangasinan bumaba ng 86%

Kaso ng Dengue sa Pangasinan bumaba ng 86%

May 22, 2022 @ 9:15 AM 1 month ago


PANGASINAN- Bumaba ng mahigit 86% ang naitatalang kaso ng dengue ngayong 2022 sa lalawigang ito kumpara sa naitalang kaso ng dengue noong nakaraan taon.

Sa isang interbyu, sinabi ni Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer, na mula Enero hanggang Mayo 16 ay nasa 195 lamang na kaso ng dengue ang kanilang naitala at malayo ito sa bilang ng mga naitala noong nakaraang taon sa parehong buwan na umabot ng 1,493 kung saan ay isa ang nasawi.

Patuloy ang puspusang kampanya at programa ng Provincial Health Office para maiwasan ang outbreak at mapanatiling ligtas ang lahat laban sa dengue. Rolando S. Gamoso