Kaso ng gurong nag-alok ng pabuya vs buhay ni PDu30, dismiss na

Kaso ng gurong nag-alok ng pabuya vs buhay ni PDu30, dismiss na

February 20, 2021 @ 3:03 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Ibinasura na ng Zambales acting provincial prosecutor ang reklamong muling isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa public school teacher na si Ronnel Mas.

Maaalalang naaresto siya noong 2020 dahil sa kanyang social media post kung saan inalok niya ng P50 milyong pabuya ang sinomang makapapatay kay President Rodrigo Duterte.

Sa resolusyon, sinabi ni Acting Provincial Prosecutor Jose Theodoro Leonardo Santos na na-dismiss ito dahil sa “lack of probable cause.

“The resolution must stand that the complainant failed to prove the identity of the perpetrator. The case is covered by the Rules on Electronic Evidence,” lahad sa resolusyon.

Bigo rin aniya ang NBI na makapagpresenta ng iba pang ebidensya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •