Kaso ng HIV, AIDS sa Region 2 tumaas

Kaso ng HIV, AIDS sa Region 2 tumaas

December 6, 2021 @ 11:12 AM 10 months ago


CAGAYAN – Tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng HIV, AIDS sa Rehiyon 2 ngayong taon.

Ito ang sinabi ng ilang health officials sa Cagayan kung saan mula Setyembre hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan ay nakapagtala sila ng 1,279 na kaso ng sakit.

Ayon kay Dr. Janet Ibay, medical doctor ng Department of Health – Center for Health Development ay naglunsad na sila ng libreng HIV screening sa pakikipagtulungan sa city health office sa Tuguegarao City at iba pang local government untis (LGUs) kasabay ng selebrasyon ng month-long World Aids Day ngayong Disyembre.

Kabilang sa mga target na maisailalim sa screening ay ang mga manggagawa sa mga salon, parlor at iba pang work sectors sa Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes.

Kapansin-pansin na karamihan sa mga tinamaan ng virus ay nasa edad 25 hanggang 34 na age bracket samantala pinakabata sa nahawaan ay isang taong gulang at 67 anyos naman ang pinakamatanda.

95% naman sa mga ito ang lalaki at 5% ang babae. RNT