Kaso ng ‘isolated’ bird flu sa Batangas, nilinis na

Kaso ng ‘isolated’ bird flu sa Batangas, nilinis na

December 17, 2022 @ 10:38 AM 2 months ago


BATANGAS- Tiniyak ng tanggapan ng Batangas provincial veterinarian na hindi na mauulit ang pagkakaroon ng avian influenza Type A sa lalawigan matapos iligpit at malinis nang maayos kahapon sa bayan ng Ibaan.

Ayon kay Romelitor Marasigan, Batangas provincial veterinarian, isang isolated case ng bird flu, o highly pathogenic ng avian influenza Type A (H5N1) ang nakita sa “non-commercial facility o leisure farm” sa Barangay Sabang.

Sinabi ni Marasigan na nakumpleto na ang paglilinis at pagtatapon ng mga manok at mga infected na materyales. Nilinaw din nito walang malapit na commercial poultry facility sa infected area.

Dagdag pa ni Marasigan na walang nadagdag na ulat ng morbidity at mortality ng manok sa lugar

Hinikayat naman ni Marasigan ang lahat ng mga may farm ay ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na biosecurity measures at sumunod sa mga precautionary safeguard na ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan.

Hinimok niya ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor na laging magtulungan upang matiyak sa anoman banta ng virus na nagdudulot ng sakit ng sa gayon ay patuloy ang pag-unlad ng poultry industry ng Batangas sa kabila ng mga hamon.

Kasunod nito ang paghihigpit at pagsagawa ng mga surveillance activity sa 1 at 7-kilometer radius zones at ang paglunsad ng mga checkpoints para malimitahan ang mga manok at mga produkto ng manok sa loob at labas ng 1-kilometer zone.

Base sa pag-aaral ng US Centers for Disease Control and Prevention, ang H5N1 ay nakamamatay sa mga hayop, at posibleng makahawa ito sa mga tao at magdulot ng malubhang sakit. Mary Anne Sapico