Kaso ng monkeypox sa mundo bumababa na – WHO

Kaso ng monkeypox sa mundo bumababa na – WHO

September 23, 2022 @ 7:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy pa ang pagbaba ng mga kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Iyan ang iniulat ng World Health Organization na ayon sa huling epidemiological report noong Setyembre 7 ay nakapagtala ng 8,757 na bagong kaso ng monkeypox at mayroon rin na limang nasawi ang naitala.

“The trends are encouraging, but as with COVID-19, this is not the time for any country or community to assume those trends will continue,” ani WHO Director-General Tedros Ghebreysus.

Sa kabuoan, nasa 61,753 ang kaso ng monkeypox sa buong mundo na naitala na sa lahat ng WHO regions.

Sa Pilipinas naman ay nananatili sa apat ang kaso ng nasabing sakit. RNT/JGC