Kaso ng murder sa bansa bumulusok – PNP

Kaso ng murder sa bansa bumulusok – PNP

March 13, 2023 @ 6:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinalita ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Marso 13 na bumulusok ang bilang ng kaso ng pagpatay sa bansa sa 40% mula noong 2018 hanggang 2022.

“Allow me to cite a five-year comparative data of murder cases that showed a sharp decrease of 40.01 percent,” sinabi ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. sa press briefing.

Ani Azurin, tuloy-tuloy ang pagbaba sa trend ng murder cases sa mga nasabing taon, o mula 7,121 noong 2018, 6,310 noong 2019, 5,490 noong 2020, 4,853 noong 2021, at 4,272 nitong 2022.

“Despite the decreasing number of murder cases over the years, there is still so much to be done in order to prevent these murder cases,” sinabi pa niya.

Inilabas ni Azurin ang datos kasunod ng serye ng mga pagpatay sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa mga nakalipas na linggo.

Samantala, sinabi naman nito na narekober ng ahensya ang nasa 6,268 loose firearms mula Enero 1 hanggang Marso 12, 2023. RNT/JGC