Kaso ng tigdas sa Central Visayas, tumaas

Kaso ng tigdas sa Central Visayas, tumaas

June 9, 2022 @ 3:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Health in Central Visayas (DOH-7) ang mga magulang at guardians na tiyaking kumpleto ang bakuna ng kanilang anak  lalo na sa tigdas.

Ito ay matapos maobserbahan ng regional health office  ang pagtaas ng bilang ng kaso sa unang kalahating taon ngayong 2022.

Sinabi ni Dr. Eugenia Mercedes Cañal, head of the Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU-7),  naitala nila ang 163 porsiyentong pagtaas sa bilang ng tigdas sa Central Visayas.

“We are seeing an increasing number of measles this year, and recorded a 163 percent rise in cases compared to last year,” sabi ni Cañal.

Mula Enero hanggang Mayo noong 2022, nakapagtala ang DOH-7 ng 62 kaso ng tigdas, mas mataas sa 38 na nai-post nila sa parehong panahon noong 2021.

Iniugnay ng mga opisyal ng kalusugan ang pagtaas ng tigdas, bukod sa iba pa, sa mababang turnout sa regular na pagbabakuna para sa mga bata na pinaka-bulnerable sa impeksyon.

“We have a slight dip in our numbers (of children who availed of the routine vaccines) in 2021 and now, we hope we can catch up in the next three months, especially with children age two years old and below,” ayon kay Dr. Van Philip Baton, DOH-7 medical program coordinator for infectious diseases.

Inuuri ang tigdas bilang ‘acute viral respiratory illness’.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), madalas itong nailalarawan ng ‘isang prodrome ng lagnat at karamdaman, ubo, coryza, at conjunctivitis, isang pathognomonic enanthema (Koplik spot) na sinusundan ng maculopapular rash.’

Bagama’t ang mga sintomas ay kadalasang banayad sa mga nasa hustong gulang, maaari itong nakamamatay para sa mga bata, sabi ni Dr. Jaime Bernadas, DOH-7 director.

Kasalukuyan ang  ang vaccination program ng DOH-7 sa vaccine-preventable diseases tulad ng tigdas o measles. Jocelyn Tabangcura-Domenden