Kaso ni Veloso pinag-usapan nina Manalo, Indonesian counterpart

Kaso ni Veloso pinag-usapan nina Manalo, Indonesian counterpart

September 6, 2022 @ 6:58 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinag-usapan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at kanyang Indonesian counterpart Retno Masurdi ang kaso ni Mary Jane Veloso, ayon sa kumpirmasyon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes.

Sinabi ni Cruz-Angeles na ang Department of Foreign Affairs ay patuloy na naghahanap ng mga solusyon para kay Veloso, na nahatulan ng drug trafficking matapos itong mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta noong 2010.

“On that we can confirm because Secretary Manalo did announce that. That’s the only thing we can confirm,” ani Cruz-Angeles.

Hindi naman na nagbigay ng dagdag-detalye si Angeles sa isyu. Hindi niya rin makumpirma kung natalakay ba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Indonesian President Joko Widodo nang magkita sila ang nasabing isyu. RNT