Kaso sa pagkamatay ng SAF 44, ‘di pa rin tapos sa SC

Kaso sa pagkamatay ng SAF 44, ‘di pa rin tapos sa SC

January 26, 2022 @ 3:41 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang paglilitis sa kaso kaugnay sa pagkamatay ng 44 na tauhan ng PNP Special Action Force.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na umaabot sa 35 kasong direct assault at murder ang naisampa ng DOJ sa korte laban sa 88 akusado sa Mamasapano encounter.

Tatlo sa mga akusado ang nadakip ng mga otoridad.

Pero ang dalawa ay pinayagang makapagpiyansa dahil sa insufficient identification at ang kaso sa isa naman ay ibinasura dahil sa pagiging menor de edad.

Sa oras aniya na muling magbukas ang Taguig RTC ay ipagpapatuloy ng prosekusyon ang pagprisinta ng mga ebidensya.

Pitong taon na ang nakalilipas matapos ang engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. Teresa Tavares