Kaso vs 4 Japanese ipinababasura ng DOJ

Kaso vs 4 Japanese ipinababasura ng DOJ

February 2, 2023 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nais ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang mga kaso ng apat na Japanese nationals, na hinihinalang masterminds ng illegal activities sa Japan, upang pabilisin ang kanilang deportasyon.

Ayon sa ulat nitong Miyerkules, inihayag ng departanamento na hiniling nito sa prosekusyon  na ibasura ang mga kaso dahil hindi mapauuwi ng kanilang bansa ang mga indibidwal na may pending cases sa Pilipinas.

“Some of the cases are in court already and we don’t control their discretion in the judiciary side so we have to file the necessary motion through our prosecution service and then it’s up to the judge whether they will dismiss the cases or not,” pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano.

Sinabi ng DOJ na hiniling ng Japanese government na i-deport ang apat na suspek nang sabay-sabay.

 Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang cellphones, laptops, at iba pang gadgets na nadiskubre sa kanilang detention facility sa Taguig.

Iniimbestigahan din ang BI personnel na nagbabantay sa pasilidad.

“It’s probably too early to give information about actions on the people umaandar ang imbestigasyon at kapag may makita tayong tauhan ng BI na complicit sa mga illegal activities inside the warden facility then deifnitely sila ay makakasuhan,” ani BI spokesperson Dana Sandoval.

Ibibigay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakumpiskang mobile phones sa Japanese government na magsasagawa ng forensic investigation.

Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Japan ngayong February. Subalit, hindi umano tatalakayin ang isyung ito, ayon sa Palasyo. RNT/SA