Kaso vs. Ressa bitawan: Hirit ng EU tinabla ni Andanar

Kaso vs. Ressa bitawan: Hirit ng EU tinabla ni Andanar

September 21, 2020 @ 12:15 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinopla ng Malakanyang ang panawagan ng European lawmakers sa  Philippine government na ibasura ang lahat ng mga paratang laban kay Rappler chief executive Maria Ressa.

Pinanindigan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO )ang pagkalehitimo ng criminal charges laban kay Ressa.

“We remain firm in our position on Ms. Maria Ressa and her unfounded allegations against President Rodrigo Roa Duterte and his administration,” PCOO Secretary Martin Andanar.

Ang pahayag na ito ni Andanar ay tugon matapos  na aprubahan ng European Parliament, araw ng Huwebes ang resolusyon na humihikayat  a Philippine government na i-drop o bitawan ang lahat ng “politically-motivated” charges laban kay Ressa at kay dating researcher Reynaldo Santos Jr.

Nakaaalarma umano, ayon sa European Parliament ang “deteriorating level of press freedom” sa bansa.

“The legitimacy of the criminal charges against Rappler and Ms. Ressa for their violations to the anti-dummy law, securities code, income tax law, and the cyber libel, for which she was convicted, are founded on the Philippines’ jurisprudence and Constitution,” giit ni Andanar.

Aniya, ang naging pahayag ni Ressa na ang criminal charges laban sa kanya ay gagamitin para busalan ang mga mamamahayag ay “total disregard to the rule of law and due process as prescribed by the Constitution.”

Aniya, pinaratangan ni Ressa ang administrasyon ng manipulasyon sa pamamagitan ng propaganda machines ng pamahalaan nang simpleng tanggihan nito na kilalanin ang inisyatiba ng administrasyon at high approval rating nito.

“Her continued allegations against the administration are being done deliberately to escape from her legal obligations,” ayon kay Andanar.

Sa kabila ng mga naging pahayag ni Ressa na may pagtatangka na patahimikin ang mga kritiko ng pamahalaan, sinabi ni Andanar  na patuloy na tinatamasa ni Ressa ang namana nitong karapatan na ihayag ang kanyang paniniwala at pananaw kahit ito man ay beripikado o hindi.

“The Philippines continues to enjoy a plurality of voices, expression, opinions, and beliefs; hence, the continued operations of Rappler and Ms. Ressa’s pursuit for self-justification in response to their legal obligations,” ani Andanar.

Simula aniya ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, taong 2016, ay nagsimula nang magtrabaho ang pamahalaan para palitan ang global stigma na inilagay sa Pilipinas “one of the deadliest and worst places for journalists and media workers in the world” gaya ng iniulat ng Committee to Protect Journalists and Reporters without Borders.

“The administration has undertaken initiatives and endeavors that promote media protection and rights, such as the creation of the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) and the Republic Act 114581 or the Expanded Sotto Law. Such attainment for a better status year by year on the list has been recognized by diplomatic delegations, including the European Union,” anito.

Tinukoy ni Andanar ang Social Weather Stations’ survey noong 2019, kung saan sinabi niya na ang  commitment ng pamahalaan ay ang  i-promote ang “media protection and rights.”

Makikita aniya  sa poll na 3 mula sa 5  Filipino ay naniniwala na maaari silang magsalita  “openly and without fear” hinggil sa iba’t ibang usapin.

Sa kabilang dako, pinapanatili naman ni Andanar ang satisfactory position ng bansa sa  Economist Intelligence Unit’s (EIU) Democracy Index sa 54th rank noong 2019.

Inulit ni Andanar na ipagpapatuloy ng administrasyon na i-promote ang karapatan, kalayaan, at seguridad ng mga   media workers alinsunod sa rule of law at due process sa kabila ng pagsisikap ng ilang indibiduwal at grupo na paghinain ang progreso.

“The freedom of expression and press freedom have never been and will never be curtailed by the Duterte administration,” ayon kay Andanar.

Matatandaang, noong buwan ng Hunyo nahatulan sina  Ressa at Santos  cyber libel dahil sa reklamong isinampa ng Filipino-Chinese businessman na si  Wilfredo Keng taong 2017. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...