Kasong graft at falsification ni Roderick Paulate, tuloy- Sandiganbayan

Kasong graft at falsification ni Roderick Paulate, tuloy- Sandiganbayan

July 16, 2018 @ 4:07 PM 5 years ago


 

Manila, philippines – Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 7th Division ang hiling ng aktor at dating Quezon City Councilor Roderick Pauate na ibasura ang kasong graft at falsification of public documents na isinampa laban sa kanya dahil sa pagkuha ng 30 ghost employees noong 2010.

Ayon sa graft court ang Omnibus Motion to quash ni Paulate at driver/liason offficer nito na si Vicente Bejamunde ay ibinasura dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Una nang hiniling ng kampo ni Paulate sa Sandiganbayan na idismiss ang kaso laban sa kanya dahil nalabag ang kanyang right to a speedy disposition of cases dahil inabot na ng 7 taon bago naresolba ng Office of the Ombudsman ang reklamo laban sa kanya.

Giit naman ng Sandiganbayan na hindi nalabag ang kanyang karapatan.

“The total period of five years and 11 months for the conduct of the preliminary investigation is justified, as there were no vexatious, capricious or oppressive delays in the disposition of the case before the Office of the Ombudsman. The protection under the right to a speedy disposition of cases should not operate to deprive the government of its inherent prerogative in prosecuting criminal cases. This Court finds that there was no violation of accused-movants’ right to speedy disposition of the case against him,” nakasaad sa 26 pahinang desisyon ng Sandiganbayan.

Ang dalawa ay una nang inakusahan na kumokolekta ng suweldo ng may 30 empleyado na pawang mga peke umano ang Personal Data Sheet mula Hulyo 1 hanggang Nobyembre 15, 2010.

Lumilitaw na nagpalabas umano si Paulate ng certification na nagtatrabaho ang mga ito ng 40 oras kada linggo habang si Bajamunde naman ang kumukuha ng mga sahod ng mga ito na umabot sa P1.1M.

Si Paulate ay una nang nagpiyansa ng P246, 000 para sa kanyang pansamantalang paglaya at si Vicente ay P220,000 bail dahil sa nasabing kaso. (Gail Mendoza)