Kasong isinampa ni Gretchen Fullido, walang basehan – abugado

Kasong isinampa ni Gretchen Fullido, walang basehan – abugado

October 8, 2018 @ 10:27 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinanindigan ng abugado nina Cheryl Favila at Maricar Asprec, ABS-CBN news producers, na ang mga akusasyon ng anchor na si Gretchen Fullido ay walang basehan at ‘discriminatory’ sa komunidad ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ).

Ayon kay sa abogadong si Evalyn Ursua sa isang Facebook post nitong Sabado, kaparehong kaso rin ang naunang ibinasura ng network matapos ang pormal na imbestigasyon.

“Her baseless complaint is also a classic example of discrimination against LGBTQ individuals and gender stereotyping against them in matters of sexuality,” ayon kay Ursua.

“The prevailing homophobia in society results in a stereotyped belief that women of same-sex sexual orientation indiscriminately go after any other woman or are prone to sexually harass other women.”

Sinabi rin ni Ursua na ibinasura ng ABS-CBN ang reklamo matapos aprubahan nina Favila at Asprec na ang text message na ginamit ni Fullido bilang ebidensiya ay “distorted and maliciously taken out of their conversation threads.”

Tinawag din ng abogado ang pansin ng LGBTQ community na tignan ang kaso at pumanig sa kaniyang kliyente na tinawag niyang “decent and upright women.”

Matatandaan na noong Biyernes, nagsampa ng kaso si Fullido sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa dalawang producer at iba pang kasamahan sa kasong sexual harassment, libel at victim-shaming.

Inakusahan ni Fullido sina Favila at Asprec na nag-send sa kaniya ng messages “loaded with sexual innuendos, which amounted to sexual favors.”

Kahit na ibinasura na ng network ang kaso, pinatalsik pa rin nito si Favilla dahil sa ‘gross misconduct’.

Nitong Linggo, ipinaabot ni Marvin Aceron, abogado ng anchor, na na-appreciate ni Fullido reaksyon ng publiko sa kaniyang kaso.

“All I can say is these are public records now. The public can do their research and verify,” ayon kay Fullido./Remate News Team