Kasong murder ikinasa ng NBI vs 22 parak sa pagkamatay ng Bilibid inmates

Kasong murder ikinasa ng NBI vs 22 parak sa pagkamatay ng Bilibid inmates

July 2, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong murder laban sa 22 pulis sa pagkasawi ng walong New Bilibid Prison (NBP) inmates.

Kinumpirma ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na ang 22 ay mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na naka-assign sa Bureau of Corrections noong namatay ang mga preso. https://simpliolabs.com/

Batay sa imbestigasyon ng NBI, posibleng ginamit ang COVID-19 upang pagtakpan ang pagkamatay ng inmates.

Inihain ang reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Nagsagawa ang NBI ng imbestigasyon alinsunod sa utos ng DOJ noong Hulyo 2020 kasunod ng pagkamatay ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Subalit tumanggi ang BuCor na magbigay ng detalye ukol dito dahil umano sa Data Privacy Act.

Matatandaang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ayon umano sa hindi pinangalanang pulis,  walang paraan upang malaman kung pinalitan ng BuCor replaced ang katawan ng preso dahil walang nadiskubreng finger prints.

Inihayag namab ni Minority Leader Franklin Drilon na hindi pwedeng gamitin ang Data Privacy Act could bilang rason upang hindi isiwalat ang pagkamatay ng inmates at sinabing kailangan ng transparency upang maiwasan ang mga pag-abuso gaya ng fake o simulated deaths.

Mula Mayo hanggang Hulyo 2020, siyam na preao ng Maximum Security Compound ng Bilibid at Building 14 ang nasawi sa COVID-19 kasama si Sebastian.

Bukod kay Sebastian, kabilang din sa mga pumanaw ang shabu tiangge operator na si Amin Imam Boratong. Maytoon pang dalawanf Pilipinong preso at limang Chinese nationals.

Sa kasagsagan ng pandemya, itinayo ng BuCor ang Site Harry, isang quarantine facility na itinalaga sa tulong ng Department of Health at ng International Committee ng Red Cross sa loob ng national penitentiary upang magsilbing isolation site para sa mga preso at jail personnel na nagpositibo sa COVID-19. RNT/SA